PORMAL nang ipinroklama ng Commission on Elections si Ako Bicol Party-list 3rd Nominee Jan Franz Norbert Joselito Chan bilang kapalit ng nagbitiw na si Cong. Zaldy Co.
Ang Ako Bicol party-list ay mayroong dalawang pwesto sa mababang kapulungan matapos makakuha ng mahigit 1 million votes noong may 2025 Midterm Elections.
Si Cong. Alfredo Garbin naman ang ikalawang kinatawan ng party-list group sa kamara.
Magugunitang nagbitiw si Co bilang kongresista sa sa gitna ng mga alegasyon na sangkot siya sa mga anomalya sa flood control projects.




