BINISITA kamakailan ng Calbayog City Agriculture Office, sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture-PhilRice, ang demonstration farm sa Barangay Trinidad.
Ito ay upang i-explore ang makabagong rice production strategies para sa layuning palakasin ang local food security.
Saklaw ng aktibidad na tinawag na Lakbay Palay sa Binhing Palay Farm, ang on-site tour sa agricultural model farm na nagpapakita ng best practices sa rice production, innovative technologies, at knowledge-sharing initiatives.
Sa naturang programa na ginanap sa Calbayog Convention Center, sinabi ni Mayor Raymund “Monmon” Uy na naniniwala siyang magreresulta sa magandang ani ang demonstration farm sa mga lokal na magsasaka ng bigas.
Binigyang-diin din ni Mayor Mon ang kahalagahan ng food self-sufficiency, lalo na sa gitna ng krisis sa Middle East.




