Nagbabala si Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian sa mga pribadong child care facilities na matutuklasang nang-aabuso ng mga bata na nasa kanilang pangangalaga na sisiguruhin ng ahensya na sila ay makakasuhan.
Sinabi ni Gatchalian na marami namang care facilities na pribado ang talagang nagmamalasakit at nagmamahal sa mga batang kanilang inaalagaan subalit para sa mangilan-ngilan na may ginagawang hindi tama sa mga bata, mahuhuli at mahuhuli sila ng ahensya.
Mahigit P22M na halaga ng tsongke nakumpiska sa NAIA T3
St. Timothy Construction pinagpapaliwanag ni Pang. Marcos sa hindi natapos at substandard na flood control structure sa Bulacan
Publiko hinikayat ng PSA na i-download ang kopya ng kanilang Digital National ID sa eGovPH
Subpeona ng Senado kay Alice Guo pinagtibay ng Korte Suprema
Ginawa ng kalihim ang babala matapos isyuhan ng cease and desist order ang New Life Baptist Church of Mexico, Pampanga Inc. dahil sa pananakit sa mga inaalagang bata at hindi pagsunod sa registration, license to operate, at accreditation standards ng DSWD.
Matapos masagip ang nasa 160 na mga bata, tiniyak ni Gatchalian na nabibigyan ito ng karampatang tulong para sa naranasan nilang trauma sa nasabing pasilidad.
Sumasailalim ngayon sa counseling at debriefing ang mga bata at ang mangangailangan pa ng mas mahabang rehabilitasyon ay mananatili sa pangangalaga ng DSWD Central Luzon.