6 August 2025
Calbayog City
Local

DSWD Region 8, tiniyak na mayroong sapat sa Relief Supplies 

SA kabila nang bumuting panahon sa Eastern Visayas sa nakalipas na dalawang linggo, tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office sa publiko na mayroon silang sapat na Relief Supplies at Standby Funds, para agad makatugon sa emergencies at mga kalamidad sa rehiyon.

Ayon sa DSWD, as of July 31, mayroong 168,077 Family Food Packs at mga kahon ng Ready-To-Eat Food, pati na stocks ng 28,988 Non-Food ITems, sa kanilang warehouses sa iba’t ibang panig ng Eastern Visayas.

Inihayag ng ahensya na mayroon ding naka-secure na sapat na Standby Funds at Available Relief Resources na nagkakahalaga ng 152.59 million pesos na maaring gamitin para sa Relief Operations at Emergency Needs.

Ang Food Packs ay nakalagay sa warehouses sa mga bayan ng Allen at Biri sa Northern Samar; Jipapad, Taft, at Guiuan sa Eastern Samar; DSWD Regional Resource Operations Center sa Palo, Leyte; at Sogod sa Southern Leyte.

Ang iba pang stocks ay nasa Almagro at Sto. Niño sa Samar, at Naval, Maripipi, at Kawayan sa Biliran Province.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).