NAG-release ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 47.8 million pesos na cash assistance sa mga tricycle driver sa pitong siyudad sa Eastern Visayas upang mapagaan ang epekto ng tumataas na presyo ng petrolyo.
Ayon kay DSWD Eastern Visayas Regional Director Grace Subong, isinagawa ang payouts sa mga lungsod ng Catbalogan at Calbayog sa Samar; Borongan sa Eastern Samar; Baybay at Ormoc sa Leyte; at Maasin sa Southern Leyte.
Mangrove areas sa Tacloban, isasailalim sa rehabilitasyon
Eastern Visayas Regional Hospital, sisimulan ang transplant operation sa 3rd quarter ng 2026
Mahigit 500 na mangingisda sa Northern Samar, makatatanggap ng fuel subsidy
Mga turista, hinikayat na bumisita sa rock formations sa Biri Island sa Northern Samar
Sinabi ni Subong na ang listahan ng mga benepisyaryo ay nagmula sa Local Government Units, dahil sila ang nakakaalam kung sino ang mga rehistrado at pinayagang mag-operate.
Sa ilalim ng programa, bawat driver ay tumanggap ng 5,000 pesos na makatutulong upang maibsan ang epekto ng malaking pag-angat sa presyo ng langis dulot ng kaguluhan sa Middle East.
