3 March 2026
Calbayog City
National

DSWD, inihahanda na ang tulong sa mga uuwing Pinoy dahil sa gulo sa Middle East

TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development na handa itong magpaabot ng tulong sa mga Overseas Filipino Workers at kanilang pamilya na maaapektuhan ng kaguluhan sa Middle East.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nakausap na niya si Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac para siguruhin na handa ang DSWD na tumulong sakaling magkaroon ng repatriation ng mga OFW na apektado ng krisis.

Sa ngayon ay patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa DMW at sa Department of Foreign Affairs.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).