TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development – Eastern Visayas na may sapat itong suplay sakaling may mga pamilyang mangailangan ng tulong dahil sa nararanasang pag-ulan dulot ng Shear Line.
Ayon sa DSWD – Field Office 8, mayroon itong available relief resources na nagkakahalaga ng mahigit P130 million.
ALSO READ:
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Mahigit 600 senior citizens, nakinabang sa Oquendo Social Pension Payout
Kabilang dito ang mahigit P2 million na standby funds at mahigit P128 million na halaga g food at non-food items.
Mayroon ding nakahandang mahigit 127,900 na family food packs (FFPs) na handing ipamahagi sa maaapektuhang pamilya.
Patuloy ang paalala ng DSWD sa publiko na maging maingat at alerto sa anumang oras.
Agad ding makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan kung sakaling mangailangan ng tulong. (DDC)
