HANDA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Eastern Visayas na asistehan ang mga pamilyang maaapektuhan ng patuloy na pag-ulan dulot ng shear line.
Ayon sa DSWD – Eastern Visayas, nakahanda na ang relief resources na magsisilbing ugmentasyon sa mga lokal na pamahalaan kung kinakailangan.
ALSO READ:
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
DPWH, magpapatupad ng 15-Ton Load Limit sa Calbiga Bridge sa Samar
85 child laborers sa Northern Samar, tumanggap ng tulong sa ilalim ng Project Angel Tree ng DOLE
Eastern Visayas, nagpadala ng inuming tubig sa Cebu
Sa pinakahuling datos, aabot sa P128,595,152.99 ang kabuuang halaga ng nakahandang relief resources kabilang na dito ang 114,301 family food packs at 33,813 non-food items.
Sa ngayon, patuloy naman ang isinasagawang monitoring at koordinasyon ng ahensya sa pangunguna ng disaster response management division, upang matiyak ang agarang tulong sa mga apektadong lugar.