INUMPISAHAN na muli ng Department of Social Welfare and Development ang pag-iisyu ng Guarantee Letter para sa mga Pinoy na nakararanas ng krisis.
Ayon sa DSWD puwede na muling mag-isyu ng GLs para sa Medical at Burial Assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS Program.
Ang publiko na mangangailangan ng GL ay maaari nang magtungo sa DSWD Field Office na malapit sa kanilang lugar para maisailalim sila sa assessment.
Magugunitang sinuspinde ng DSWD ang pag-iisyu ng GLs simula noong nakaraang buwan ng Disyembre para bigyang-daan ng liquidation procedures ng ahensya.




