NILANSAG ng pinagsanib-puwersa ng Bato Municipal Police Station at PDEA-8 Leyte Provincial Office, RSET, SIU-Leyte, ang isang drug den sa Barangay Bagong Bayan sa Bato, Leyte.
Kasabay ito sa isinagawang
buy bust operation sa nasabing lugar araw ng Biyernes, August 18, 2023.
Kinilala ang mga suspek na sina Rommel Baltazar, Drug den maintainer; Jomari Sabajon; Mark Paul Garong; Johnrey Luson; Rodulfo Germa ; Johnly Luar; at Alvin Aloña, pawang mga bisita.
Nakumpiska sa mga suspek ang labindalawang (12) piraso sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit kumulang 15 gramo na may tinatayang market value na Php102,000.00 at iba’t ibang drug paraphernalia.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at pansamantalang nakakulong sa Bato MPS Lock-up Facility.