Nabuwag ang isang drug den sa ikinasang operasyon sa bayan ng Marabut sa lalawigan ng Samar.
Ikinasa ang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng PNP 2nd PMFC, Marabut Police Station at PDEA Region 8.
ALSO READ:
Nadakip sa nasabing operasyon ang tatlong suspek na kinilalang sina alyas Marla, maintainer ng drug den; alyas Iday, employer at si alyas Jet na nadatnan sa drug den.
Nakatakas naman ang co-maintainer ng drug den na si alyas Ron.
Nakuha mula sa mga suspek ang 3 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P128,525 at mga drug paraphernalia.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.




