NAGKASUNDO ang Democratic Republic of Congo at M23 rebels na suportado ng Rwanda, na itigil ang kanilang sagupaan sa silangan ng bansa.
Ito ay hanggang sa magkaroon ng konklusyon ang peace talks kung saan namamagitan ang Qatar.
Ito ang pinakabagong Truce Deal mula nang paigtingin ng mga rebelde ang kanilang opensiba sa Eastern DR Congo, kung saan ayon sa mga otoridad, ay umabot na sa pitunlibo ang nasawi simula noong Enero.
Kapwa inanunsyo ng magkabilang panig na sisikapin nilang makamtan ang kapayapaan, kasunod ng isang linggong pag-uusap na inilarawan bilang “Frank and Constructive.”