TINIYAK ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matatapos ang Retrofitting Works sa San Juanico Bridge, bago o sa Disyembre ngayong taon.
Kumpiyansa si DPWH Eastern Visayas Regional Director Edgar Tabacon na malapit nang ma-download ang 520 million pesos na budget para sa Modification ng iconic na tulay, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Una nang ipinag-utos ng pangulo na bilisan ang Retrofitting Activity at itaas ang Load Capacity ng tulay sa 12 to 15 tons bago matapos ang taon mula sa kasalukuyang tatlong tonelada.
Idinagdag ni Tabacon na habang hinihintay ang pondo para sa Disaster Risk Management Funds, nagsasagawa sila ng Preparatory Works para kapag available na ang pondo ay makapag-focus sila sa Retrofitting ng tulay.