SINIMULAN na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 28.9-million pesos na repair ng Biliran bridge, mahigit isang buwan matapos mag-viral sa online ang tulay bunsod ng pag-uga nito.
Sinabi ng DPWH Biliran District Engineering Office na nagsimula ang pagkukumpuni ngayong linggo, kasunod ng inilabas na notice to proceed ngayong buwan.
Mahigit 900 katao, nasugatan dahil sa aksidente sa kalsada sa Region 8 sa unang 2 buwan ng taon
DPWH, humahanap ng pondo para sa ‘Grand Canal’ sa Tacloban matapos hindi paglaanan ngayong 2026
Pamamaril sa DPWH engineer ng aktibong sundalo sa Northern Samar, kinundena ng Philippine Army
Provincial Government ng Samar, kinilala ang lakas, pamumuno, at kontribusyon ng kababaihan ngayong Women’s Month
Inihayag ni DPWH Biliran Officer-In-Charge Irwin Antonio na pinagagana na ng identified contractor ang kanilang equipment at ilang mga materyales para sa scaffoldings at iba pang preparatory repair activities.
Habang ongoing ang construction, mananatiling bukas ang tulay sa magagaan na sasakyan o limang tonelada pababa, habang ang mga mabibigat na truck ay iba-biyahe sa pamamagitan ng barge na provided ng Provincial Government.
