HUMIHIRIT ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng nasa limang bilyong pisong pondo para sa kanilang Dredging and Desilting Program sa susunod na taon.
Binigyang diin ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na kailangang magsagawa ng malawakang paghuhukay at pag-aalis ng burak sa mga ilog at sapa, dahil matagal na panahon na ang lumipas mula nang huli itong ginawa.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Idinagdag ni Bonoan na kahit pa gaano kataas ang ilagay nilang pansangga sa mga ilog, ngunit kung hindi naman ito inaalisan ng putik o burak at nadadagdagan pa, aapaw at aapaw pa rin ang tubig baha.
Sinabi ng kalihim na sinisikap ng kanyang ahensya na simulan ang naturang hakbang, subalit hindi pa inaaprubahan ang budget para sa pagbili ng lahat ng kinakailangang equipment.
Nais ni Bonoan na DPWH mismo ang gagawa ng trabaho upang maiwasan ang mga alegasyon ng korapsyon kapag pina-kontrata ang Dredging Projects.