NAGBANTA si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na marami pang ulong gugulong sa mga susunod na araw, at marami pang kaso na isasampa laban sa mga indibidwal na sangkot sa mga anomalya sa Flood Control.
Sa nakalipas na dalawang linggo, sinabi ni Dizon na tatlong DPWH executives ang dinismis, labimpito ang sinuspinde, at dalawampu’t anim na indibidwal ang sinampahan ng kaso dahil sa pagkakasangkot sa umano’y mga Ghost o Substandard Projects sa Bulacan.
Idinagdag ng kalihim na tumanggap din siya ng Courtesy Resignation ng isang undersecretary, at marami pa ang susunod.
Ayon kay Dizon, nagsisimula pa lamang sila, at mula itaas hanggang baba ay kailangang managot.
Aniya, nakita na nila ang pattern sa flood control project anomalies sa Bulacan, at inaasahan nilang ganito rin ang nangyayari sa iba pang mga bahagi ng bansa.




