ININSPEKSYON ni Public Works Secretary Vince Dizon ang hindi pa tapos na mga tulay sa Maasin at Asinan sa Pilar, Surigao Del Norte, na kapwa idineklarang nakumpleto na noong 2022.
Nagpahayag din ng pagkadismaya si Dizon sa delayed na Flood Control Project sa Barangay Tuburan sa Del Carmen.
ALSO READ:
Sa records ng DPWH, ang naturang proyekto ay dapat 95% nang tapos, subalit sa ngayon ay 35% pa lamang ito.
Inihayag ng ahensya na mayroong ongoing investigation sa mga kwestyunableng Infrastructure Projects at kanilang contractors, na umano’y may kaugnayan kay Surigao Del Norte 1st District Rep. Francisco “Bingo” Matugas.
Si Matugas ay kabilang sa walong mambabatas na tinukoy ng DPWH na umano’y “congtractor.”




