13 July 2025
Calbayog City
Metro

DOTr, planong baliktarin ang direksyon ng EDSA Busway 

IKINU-konsidera ng Department of Transportation (DOTr) na baliktarin ang direksyon ng EDSA Bus Carousel upang ang busway ay maging mas eksklusibo lamang sa mga pampublikong bus.

Ang naturang plano ay nangangahulugan na ang Northbound Buses ay ililipat sa Southbound Lane sa halip na dumaan sa EDSA kasama ng ibang mga sasakyan na patungong norte.

Paliwanag ni Transportation Secretary Jaime Bautista, ito ay para exclusive lang ang busway sa mga bus, at ang pintuan ay nasa kanang bahagi kaya mayroon din aniyang safety considerations.

Sinabi ng Department of Transportation na pinag-uusapan na nila ang plano kasama ang mga kumpanya ng bus na nag-o-operate sa kahabaan ng busway.

Target ng DOTr na maisapinal ang desisyon bago matapos ang 2024.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.