NILINAW ng Department of Transportation na hindi intensyon ni Secretary Giovanni Lopez na ipahiya ang kahit na sino nang magsagawa siya ng inspeksyon sa LRT-1 Baclaran Station.
Ayon sa pahayag ng DOTR, hindi pinagalitan ng kalihim ang Station Manager ng istasyon at sa halip ay naghayag lamang ito ng pagkadismaya sa nakita niyang sitwasyon ng pasilidad.
Ayon sa DOTr, ang pagsasaayos ng istasyon ay hindi lamang makabubuti para sa mga pasahero kundi para din sa mga empleyadong naka-assign sa istasyon.
Inamin din ng LRMC na mayroong lapses at lehitimo ang concerns ng DOTR Chief.




