TINIYAK ng Department of Transportation (DOTr) sa publiko na nananatiling ligtas sakyan ang 4-car trains ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), kasunod ng pagkabahala ng isang mambabatas at ilang train employees.
Binigyang-diin ng ahensya na fully capable ang signalling system ng MRT-3 para suportahan ang 4-car train operations sa pagitan ng North Avenue at Taft Avenue.
Idinagdag ng DOTr na ang sistema ay vinalidate ng International Rail Consultant na SYSTRA, na nagkumpirma na safe ang 4-car configurations.
Tugon ito ng ahensya sa March 13 vlog ni Kamanggagawa Party-list Rep. Eli San Fernando, kung saan itinampok ang mga miyembro ng MRT-3 Employees Association.
Sa video, sinabi ni San Fernando na pinagtatakpan lamang ni MRT-3 General Manager Michael Capati ang mga umano’y safety issues ng train cars.




