LUMIKHA si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ng isang unit na tinawag nitong Flagship Project Management Office (FPMO) para pabilisin ang pag-usad ng mga proyekto sa transportasyon.
Ayon sa DOTr, ang pagtatatag ng FPMO ay salig sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na i-prayoridad ang physical connectivity at mas maiksing biyahe para sa commuters.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Sinabi ni Dizon na siya mismo ang mamumuno sa FPMO at personal niyang tututukan ang mga proyekto na aniya ay guided ng mahigpit na deadlines.
Inihayag din ng ahensya na sa pamamagitan ng bagong unit ay magagarantiyahan ang “maximum effort and resources” sa pagpapatupad ng Priority Infrastructure Flagship Projects.
Kabilang dito ang Metro Manila Subway, North-South Commuter Railway, EDSA Busway, EDSA Greenway, Cebu Bus Rapid Transit, at Davao Public Transport Modernization Projects.