KABUUANG isandaan at labing anim na dating rebelde mula sa Matuguinao, Samar ang pormal na nag-apply ng amnesty matapos tuluyan ng talikuran ang komunistang paniniwala.
Naghain ng amnestiya ang mga dating rebelde sa dalawang araw na orientation at intake activity na inorganisa ng Local Amnesty Board (LAB) – Catbalogan, sa pakikipagtulungan ng 43rd Infantry Battalion at lokal na pamahalaan ng Matuguinao.
ALSO READ:
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Higatangan Festival sa Biliran, kinansela sa gitna ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo
Isinagawa ang aktibidad sa Barangay Mabuligon sa pangunguna ni Mayor Aran Boller. Nagbigay ang LAB secretariat ng komprehensibong pagtalakay sa Amnesty Program ng gobyerno, kabilang na ang step-by-step procedures mula sa initial application hanggang sa endorsement sa Office of the President.
