LABINSIYAM na ospital sa National Capital Region (NCR) ang nagbukas ng “Fast Lanes” para magbigay ng agarang atensyong medikal sa mga pasyenteng tinamaan ng Leptospirosis.
Sa social media post, inihayag ng Department of Health (DOH), na layunin ng kanilang hakbang na pabilisin ang konsultasyon at gamutan para sa mga indibidwal na lumusong sa baha.
Ilan sa mga ospital na mayroong Fast Lanes ay ang San Lorenzo Ruiz General Hospital, East Avenue Medical Center, Quirino Memorial Medical Center, DR. Jose Fabella Memorial Hospital, Philippine Orthopedic Center, San Lazaro Hospital, Valenzuela Medical Center, at Tondo Medical Center.
Hinimok naman ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo ang mga nakararanas ng lagnat at pananakit ng katawan matapos lumusong sa baha, na agad magpakonsulta sa doktor, at huwag nang palalain pa ang mga sintomas.