MULING nanawagan ang Department of Health-Metro Manila Centers for Health Development (DOH-MMCHD) sa publiko na huwag balewalain ang mga sintomas ng Tuberculosis (TB) at sumailalim sa early screening para makatulong sa pagsugpo sa pagkalat ng sakit at makapagligtas ng mas maraming buhay.
Sa datos mula sa Integrated Tuberculosis Information System ng Epidemiology Bureau, 101,807 TB cases ang naitala sa National Capital Region, as of Feb. 16.
Dahil dito, pinaigting pa ng Health Authorities ang hakbang sa early detection, agarang gamutan, at prevention.
Binigyang-diin ng DOH-MMCHD na bagaman nananatili ang TB sa isa sa mga nangungunang sakit sa bansa, ito ay treatable at curable, lalo na kung maagang na-detect.




