Siniguro ng Department of Migrant Workers (DMW) na tutulungang makauwi ang siyam na mangingisdang Pinoy na inabandona ng kanilang employer sa San Diego, California.
Nag-abot ng tulong na 850 US Dollars ang Migrant Workers Office (MWO) sa Los Angeles, California sa siyam na Pinoy sa pamamagitan ng AKSYON Fund para sa kanilang gastusin at sa hindi nabayarang sweldo.
Tiniyak din ni Labor Attaché Macy Monique A. Maglanque sa mga mangingisda na ipagkakaloob ang kanilang mga pangangailangan.
Kabilang dito ang pagsuporta upang mabayaran sa kanilang ang unpaid wages at ang mabilis na pagbabalik nila sa bansa. Nakikipag-ugnayan na ang MWO-LA sa kanilang employer, sa PRA at sa U.S. local authorities para sa agarang aksyon sa kanilang kaso.