SINALAKAY ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang mga retail outlet sa isang shopping mall sa Binondo, Maynila.
Ayon sa NBI, aabot sa mahigit two thousand eight hundred na piraso ng pekeng luxury bags ang nakumpiska sa mall.
ALSO READ:
May nakumpiska ring iba pang brand ng mga bag, mga coin purse, at wallet.
Sa pagtaya ng NBI, aabot sa mahigit two hundred thirty-seven million pesos ang kabuuang halaga ng mga pekeng produkto.
Ayon sa NBI, ang paggawa, pagbebenta, at pamamahagi ng mga pekeng produkto ay paglabag sa Republic Act Number 8293 o Intellectual Property Code.




