SIMULA sa September 15 magiging available na ang Personalized Student Beep Cards na may Automatic 50% Discount sa pamasahe.
Ito ay para matiyak ang Hassle-Free na biyahe ng mga estudyante sa mga tren ng MRT at LRT.
Ayon sa Department of Transportation, kailangan lamang magpakita ng Valid School ID o Registration Form para sa mga estudyante, Valid ID naman at PWD para sa mga Senior Citizens at PWDs, at ipi-print na ang Student Beep Cards on the Spot.
Valid ang Discounted Beep Cards sa loob ng isang taon, at pwede itong i-renew kada taon.




