HINDI na makikipagtulungan ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa maanomalyang Flood Control Projects.
Kasunod ito ng Personal and Unofficial Remarks ng isa sa mga miyembro ng lupon na nagdulot ng pag-aalinlangan ng mag-asawa sa posibilidad na sila ay maging State witness.
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Sinabi ni ICI Executive Director Brian Keith Hosaka na ininvoke ng mga Discaya ang kanilang Right to Self-Incrimination sa Closed-Door Hearing kahapon.
Aniya, bagaman sumipot ang mag-asawang contractor sa pagdinig ay pinayuhan sila ng kanilang counsel na huwag nang makipag-cooperate sa ICI.
Pinanghawakan umano ng Discaya couple na ang kanilang kooperasyon ay magreresulta sa paborableng rekomendasyon mula sa komisyon na gawin silang State witness.
