Hinimok ni DILG Secretary Benhur Abalos ang mga kandidato sa Oct. 30 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na maging mapagkumbaba kapag sila ay nanalo at mag-alok ng pakikipagbati sa kanilang mga naging nakatunggali.
Pinangunahan ni Abalos, kasama sina Maguindanao Sur Gov. Bai Mariam Sangki Mangudadatu at Police Regional Office-BARMM Chief Brig. Gen. Allan Nobleza, ang covenant signing para matiyak ang mapayapa at ligtas na halalang pambarangay sa lalawigan.
Naniniwala rin ang kalihim na palaging posible na “violence-free” ang BSKE.
Itinakda ang campaign period sa Oct. 19 hanggang sa Oct. 28.