REREBYUHIN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kanilang polisiya sa mga biyaheng pinondohan ng pamahalaan para sa mga lokal na opisyal.
Kasunod itong mga pagbatikos sa biyahe kamakailan ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Maynila sa Thailand.
Sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na pag-aaralan nilang muli ang Rules upang matiyak na lahat ng Government-Funded Trips ay lehitimo at may malinaw na layunin.
Idinagdag ni Remulla na hindi kailangan ng Training at Capacity-Building sa Abroad, at ang ikinagulat niya ay ang lantarang pagmamalaki ng SK Officials ng kanilang pagsasaya sa pamamagitan ng paulit-ulit na pag-post sa social media.
Dahil aniya rito ay maglalabas ang DILG ng Memorandum Circular para linawin kung aling Expenses ang pinapayagan at anong mga Clearance ang kailangan para sa Official Travel.




