PINATITIYAK ng Department of the Interior and Local Government ang pagpapatuloy ng serbisyo ng gobyerno sa Nueva Ecija kasunod ng suspensyon ng Office of the Ombudsman kay Governor Aurelio Umali.
Ayon sa DILG, otomatikong papalit sa suspendidong gobernador si Vice Governor Gil Raymond Umali at siya ang magsisilbing Acting Governor.
Habang si Eduardo Jose B. Joson VII na siyang First-Ranked Sangguniang Panlalawigan Member ang magsisilbing Acting vice governor.
Sinabi ng DILG na habang sinisiguro nito ang Accountability matapos ang suspensyon sa gobernador ay kailangan ding siguruhin na magpapatuloy ang Governance sa probinsya.
Ipinaliwanag ng ahensya na dapat manatiling On Track ang mga serbisyo publiko at programa para sa mga mamamayan ng Nueva Ecija sa kabila ng nangyari.
Si Aurelio Umali ay pinatawan ng suspensyon ng Ombudsman dahil sa reklamo ng pag-iisyu ng Quarry Permits nang walang karampatang Clearances.