18 February 2026
Calbayog City
National

DILG, kinumpirmang bigo ang 10 operasyon para mahanap si Atong Ang

KINUMPIRMA ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na bigo ang mga awtoridad na mahanap ang negosyanteng si Charlie Atong Ang sa inilunsad nilang 10 operasyon noong nakaraang Linggo.

Sinabi ni Remulla na ikinasa ng mga awtoridad ang raids batay sa mga intelligence report subalit hindi nakita si Ang sa mga pinuntahan sites. 

Sa kabila nito, naniniwala pa rin ang kalihim na nasa Pilipinas pa rin ang puganteng negosyante.

Una na ring itinanggi ng Cambodian Authority ang impormasyon na nasa kanilang bansa si Ang.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).