HINIKAYAT ng Department of the Interior and Local Government ang mga Lokal na Pamahalaan na maagang paghandaan ang paparating na Super Typhoon Uwan.
Pinapa-activate na ng ahensya ang Disaster Councils, pinahahanda ang Evacuation Sites, at pinapaalalahanan ang mga At-Risk Communities.
Pinalilinis na din ng DILG ang mga mga daanan ng tubig at Drainage Systems at pinaiinspeksyon ang mga lansangan at tulay. Hinikayat din ang Local Disaster Risk Reduction and Management Councils na planuhin na ng maaga ang pagpapatupad ng Preemptive Evacuations at tiyaking handa ang Emergency Response Teams at Rescue Units.




