21 November 2024
Calbayog City
National

DILG, DOJ, PDEA, at PNP, pinulong ni Pangulong Marcos para paigtingin ang kolaborasyon sa paglaban sa iligal na droga! 

PINULONG ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga opisyal ng Department of the Interior and Local Government, Department of Justice, Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police.

Ito’y para paigtingin ang kolaborasyon ng PNP, PDEA, at NBI, sa paglaban sa iligal na droga.

Kabilang sa mga dumalo sa meeting ay sina Justice Secretary Boying Remulla, DILG Secretary Jonvic Remulla, PNP Chief Police Gen. Rommel Marbil, at PDEA Director General Moro Virgilio Lazo.

Gayunman, hindi pa ibinabahagi ng Malakanyang at ng mga nabanggit na ahensya ang detalye ng napag-usapan sa meeting.

Sa kanyang ikatlong State Of the Nation Address noong Hulyo, tiniyak ng pangulo ang pagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang “bloodless” campaign laban sa iligal na droga.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.