26 January 2026
Calbayog City
National

DILG chief, inatasan ang mga pulis na magsuot ng body camera sa paghahanap kay Atong Ang

INATASAN ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang mga pulis na gumamit ng body cameras sa kanilang paghahanap sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.

Ito ay upang mapigilan ang posibleng panunuhol na maaring magresulta sa pagtakas ni Ang, na itinuturing ng Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang most wanted person dahil sa pagkawala ng mahigit tatlumpung sabungero.

Ipinaliwanag ni Remulla na iniiwasan niyang magkaroon ng hulidap kaya dapat lahat ng kasama sa operasyon ay naka-body camera bago ang raid.

Sinabi ng kalihim na kapag kasi may nakitang maraming pera ay maaring matukso ang mga pulis, kaya maingat at tahimik tuwing may inspeksyon.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.