IKINATUWA ng mga mambabatas sa Northern Samar ang desisyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magtayo ng Consular Office sa Northern Samar.
Sa social media post, sinabi ni Northern Samar 1st District Rep. Niko Raul Daza na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng Consular Office sa lalawigan.
Katawan ng dinukot na caregiver, natagpuang palutang-lutang sa katubigan ng Tacloban City
Aplikasyon ng 14 na dating rebelde, inaprubahan ng Amnesty Board sa Samar
15 kandidata ng Mutya han Samar, nakaranas ng pananakit ng tiyan
Bangkay ng babae na nakagapos at balot ng duct tape ang mukha natagpuan sa Tacloban City
Aniya, pagsapit ng 2026 ay magkakaroon na sila ng DFA Consular Office sa Catarman, nag magbibigay ng kumpletong serbisyo, gaya ng Passport Application and Renewal, Authentication of Documents, Assistance to Overseas Filipino, at Visa-related Services, at iba pa.
Inihayag naman ni Northern Samar 2nd District Rep. Edwin Ongchuan na nakipagpulong siya kay DFA Assistant Secretary Zaldy Patron para pag-usapan ang pagtatayo ng Consular Office.
Idinagdag ni Ongchuan na bukos sa pagbubukas ng Consular Office, ay isusulong din nila ang Local Tourism Sites at i-e-explore ang Overseas Employment Opportunities para sa mga residente.
Sa kasalukuyan ay mahabang oras na biyahe ang kailangang tiisin ng mga residente sa Northern Samar patungong Tacloban City, Cebu City, o Metro Manila para ma-avail ang mga serbisyo ng DFA.