NILINAW ng Department of Education (DepEd) na pinag-aaralan pa lamang ang panukalang pag-shift sa Trimester System.
Sa gitna ito ng alalahanin ng mga mambabatas, guro, at iba pang education stakeholders.
ALSO READ:
DILG, kinumpirmang bigo ang 10 operasyon para mahanap si Atong Ang
40 importers at licensed brokers, kinasuhan ng paglabag sa Customs Modernization Tariff Act
Pangulong Marcos, nakiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year; hinimok ang publiko na maging pursigido sa bawat aksyon
Death toll sa lumubog na MV Kerstin 3, umakyat na sa 58
Sa official statement, binigyang-diin ng DepEd na wala pang pinal na desisyon sa proposed academic calendar reform at ongoing pa ang consultations.
Tiniyak din ng ahensya na lahat ng boses ay pakikinggan at iku-konsidera.
Ginawa ng DepEd ang paglilinaw sa gitna ng maraming tanong mula sa mga mambabatas at educators kung paano makaapekto ang Trimester System sa classroom shortages, teacher workload, at overall implementation readiness.
