TARGET kumpletuhin ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) ang Regional Development Plan (RDP) para sa Eastern Visayas sa katapusan ng Oktubre ngayong taon.
Sinabi ni DEPDev Regional Director Meylene Rosales, Acting Chairperson ng Regional Development Council (RDC), na sa ngayon ay inilalatag na nila ang inputs matapos ang Midterm Review sa pamamagitan ng konsultasyon na dinaluhan ng iba’t ibang sektor at publiko.
Mahigit 900 katao, nasugatan dahil sa aksidente sa kalsada sa Region 8 sa unang 2 buwan ng taon
DPWH, humahanap ng pondo para sa ‘Grand Canal’ sa Tacloban matapos hindi paglaanan ngayong 2026
Pamamaril sa DPWH engineer ng aktibong sundalo sa Northern Samar, kinundena ng Philippine Army
Provincial Government ng Samar, kinilala ang lakas, pamumuno, at kontribusyon ng kababaihan ngayong Women’s Month
Nakapaloob sa Long-Term Plan Assessment na sinimulan noong Hulyo ang serye ng Intensive Multi-Sector at Multi-Level Consultations sa rehiyon, sa pangunguna ng Planning Committees.
Idinagdag ni Rosales na nais nilang matapos ang buong Updating Process sa katapusan ng susunod na buwan sa pamamagitan ng Endorsement sa RDC Full Council Meeting.
