24 December 2024
Calbayog City
Local

Department of Migrant Workers (DMW) Nagbabala na Maging Mapagmatyag Laban sa Illegal Recruitment

Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa rehiyon na maging mapagmatyag upang maiwasang mabiktima ng mga illegal recruiters.

Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas, ipinahayag ni DMW OIC-Regional Director Marlon Macallan na tiyakin muna kung lisensyado at may job orders ang recruitment agency na kanilang lalapitan.

Ayon kay Macallan, mas mabuti kung dumaan muna sa DMW ang mga nagpaplanong magtrabaho sa ibang bansa upang masuri kung legal ang operasyon ng recruitment agency.

Kung ang recruitment ay ginagawa sa mga probinsya, kinakailangan na may ipinapakitang authority ang ahensya para maghanap ng mga magtatrabaho sa ibang bansa.

Dagdag pa ni Macallan, iwasan din ang mga travel agencies na naghihikayat na idaan sa kanilang ahensya ang pag-aapply sa ibang bansa dahil tiyak na iligal ito.

Binigyang-diin ng opisyal na madaling makilala ang transaksyon ng mga illegal recruiters at kung hindi sigurado, mas mabuting lumapit na sa mga awtoridad upang malaman kung lehitimo ang kanilang operasyon.

jm somino

Editor
JM Somino is a news contributor who writes both straight news and pieces focused on travel and inspiration. With experience in leadership and teaching, he manages the JM Travel & Inspiration social media accounts, where he shares content that motivates and encourages others