INIUTOS ni Environment Secretary Raphael Lotilla ang agarang inspeksyon sa lahat ng operational na sanitary landfills sa bansa kasunod ng pagguho sa Binaliw Landfill sa Cebu City na ikinasawi ng tatlumpu’t anim na katao.
Ayon sa pahayag ng DENR, inatasan ang lahat ng regional offices na tiyaking ang mga landfill sa kani-kanilang nasasakupan ay nakasusunod sa environmental compliance certificates at safety protocols.
2 impeachment complaints laban kay PBBM, nai-refer na sa Justice Committee
Taas presyo sa produktong petrolyo, umarangkada na ngayong Martes
Pangulong Marcos, balik na sa normal schedule matapos magkasakit
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng Batas; Mga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
Partikular na pinatutukoy ni Lotilla kung mayroong potensyal na hazards ang mga landfill at kung makikitaan ay dapat agad magpatupad ng corrective measures bago pa man mauwi sa trahedya.
Sa datos ng DENR noong 2025, mahigit three hundred seventy sanitary landfills ang operational sa bansa.
Maliban sa nationwide inspection sa mga landfill ay ipinasasailalim din ni Lotilla sa assessment ang umiiral na solid waste management sa Pilipinas.
