IPINAGTANGGOL ni Dennis Trillo ang misis na si Jennylyn Mercado at kanyang mga magulang kasunod ng mga alegasyon na hindi magkasundo ang magkabilang panig.
Ginawa ni Dennis ang paglilinaw matapos kumalat sa social media ang tsismis na may iringan sa pagitan ng aktres at in-laws nito.
ALSO READ:
Sinabi ng aktor na sa mga hindi nakakakilala sa kanyang asawa, isa si Jennylyn sa pinakamabuting tao sa kanyang buhay.
Aniya, may edad na rin ang kanyang mga magulang at hindi naman bahagi ng showbiz at tahimik lamang na namumuhay kaya huwag na sana silang gawan ng isyu.
Binigyan diin ni Dennis na maayos ang relasyon nilang mag-asawa sa kanyang mga magulang, bagaman hindi sila madalas magkita dahil sa kanilang busy schedules.




