NILINAW ni Dennis Trillo na hindi niya hinahayaan ang pressure ng kompetisyon na makasira sa masayang pagdiriwang ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.
Kasunod ito ng mga usap-usapan na masusungkit niya ang Best Actor Award para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Green Bones.”
ALSO READ:
Zaijian Jaranilla, tikom ang bibig sa estado ng relasyon kay Gela Atayde
Alexa Miro, pahinga muna ang puso matapos ang breakup kay Sandro Marcos
Willie Revillame muntik maloko ng scammer na ginamit ang boses ni Former President Gloria Arroyo
‘Sisa,’ naiuwi ang Best Screenplay sa Fantasporto sa Portugal
Matapos ang special advanced screening ng pelikula, kamakailan, inilista ng mga kritiko si Dennis bilang kandidato sa MMFF Best Actor Race ngayong 2024.
Sa kabila naman nito, inihayag ng aktor sa press conference para sa 2024 Parade of Stars, na ayaw niya itong ilagay sa kanyang ulo.
Ito, aniya ay dahil hindi naman award ang habol niya, kundi nais niyang ma-enjoy ng mga manonood ang sampung entries sa MMFF ngayong taon.
