22 November 2024
Calbayog City
Entertainment

“Deleter”, nanalo ng Best Scare Award mula sa 15th Grimmfest sa England

deleter

Tumanggap ang Philippine Techno-Horror Movie na “Deleter” ni Mikhail Red, ng Best Scare Award sa 15th Grimmfest na isang Annual International Festival sa Manchester, England.

Ipinagmamalaki ng organizers ng Grimmfest na sila ang unang naglalabas ng magagandang pelikula na may kinalaman sa new horror, cult extreme fantasy, at Sci-Fi.

Ang “Deleter” ay tungkol sa isang content moderator na minumulto ng isa niyang katrabaho na gumawa ng suicide video.

Si Nadine Lustre ang bida sa “Deleter” na top-grosser sa 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) noong nakaraang taon.

Itinanghal din siya bilang best actress dahil sa mahusay na pagganap sa pelikula.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *