UMAKYAT na sa walo ang death toll sa pagguho ng landfill sa Barangay Binaliw sa Cebu City.
Ayon kay Mayor Nestor Archival, dalawampu’t walong iba pa ang nananatiling nawawala.
Labing walong indibidwal naman ang kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa ospital kasunod ng trahedya.
Nangyari ang landslide sa Waste Management Facility ng Prime Waste Solutions Cebu noong nakaraang Huwebes.




