SA pagpapatuloy ng underwater operations ng Philippine Coast Guard sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3 sa Basilan, tatlo pang bangkay ang na-rekober ng kanilang technical divers.
Ayon sa Coast Guard, umakyat na limampu’t pito ang bilang ng nasawi sa paglubog ng barko.
Mayroon namang two hundred ninety-three na nakaligtas at dalawampu’t dalawa na nawawala.
Sasailalim sa pagproseso ang tatlong na-rekober na katawan upang matukoy ang pagkakakilanlan at maipagbigay-alam sa kanilang pamilya.




