NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga nasawi bunsod ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Deputy Administrator for Administration Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, lumobo na sa dalawampu’t lima ang death toll sa Bagyong Uwan.
Sinabi ni Alejandro na labinsiyam sa mga napaulat na nasawi ay mula sa Cordillera Administrative Region, tatlo mula sa Cagayan Valley, habang tig-iisa sa Bicol, Western Visayas, at Eastern Visayas.
Dalawampu’t walo naman ang napaulat na nasugatan habang dalawa pa ang nawawala.
As of Nov. 11, umabot na sa 2.4 million individuals o 653,000 families ang naapektuhan ng bagyo. Batay sa assessment, tinukoy ni Alejandro ang Catanduanes bilang pinaka-hinagupit ng Super Typhoon Uwan, matapos magtamo ng matinding pinsala ang water system ng lalawigan, at ayon sa mga awtoridad ay tatagal ng labinlima hanggang dalawampung araw bago maibalik ang supply ng tubig.




