LUMOBO na sa mahigit pitundaan ang Death Toll sa pagbaha at landslides sa Sumatra Island sa Indonesia.
Ayon sa Indonesian Disaster Agency, sumampa na sa pitundaan at walo ang bilang ng mga nasawi simula noong nakaraang Linggo.
Mas mababa ito kumpara sa 753 na unang naiulat sa website ng ahensya.
Sinabi ng Disaster Agency na prayoridad ngayon ng mga team ang pamamahagi ng mga tulong, linisin ang mga nabarahang mga kalsada, at kumpunihin ang mga nasirang imprastraktura.




