UMAKYAT na sa limampu’t apat ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong paaralan sa Indonesia, habang nagpapatuloy pa rin ang paghahanap sa mga nawawala.
Daan-daang mag-aaral, na karamihan ay mga teenager na lalaki ang nagtipon-tipon para magdasal sa Al Khoziny Boarding School sa East Java nang mag-collapse ang eskwelahan na isinasailalim sa konstruksyon.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng pagguho ng paaralan, bagaman may ilang opisyal ang nagsabi na mahina ang pundasyon ng dalawang palapag na gusali.
Kabilang sa mga nasawi ang dalawa katao na nakuha mula sa Debris subalit kalaunan ay binawian din ng buhay sa ospital.