5 July 2025
Calbayog City
Sports

Deanna Wong, hindi pa makapaglalaro para sa Choco Mucho para sa PVL games

HINDI pa makapaglalaro ang seasoned setter na si Deanna Wong sa PVL Games para sa Choco Mucho at inaasahan ang kanyang pagbabalik sa Enero sa susunod na taon.

Sinabi nina Choco Mucho Head Coach Dante Alinsurin at Strength and Conditioning Coach Allan Jovero, na dahil pa rin ito sa dating injury sa tuhod ni Wong.

Ayon kay alinsurin, inaagapan ni Wong ang injury nito upang maiwasan na bumalik.

Hindi nakapaglaro ang bente sais anyos na volleyball star sa opening day match laban sa Petro Gazz, kung saan natalo ang Choco Mucho sa  score na 20-25, 28-26, 21-25, at 25-16.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).