NAKABOTO na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Mariano Marcos Memorial Elementary School sa Batac City, Ilocos Norte.
Sa kaniyang pagboto ay hinikayat ng pangulo ang publiko na na bumoto na rin.
Ayon sa pangulo mahalaga ang pagpili ng kandidatong mamumumo sa komunidad.
Dumaan sa normal na proseso ng pagboto ang pangulo at gaya ng ibang botante ay nagbitbit ito ng kodigo para sa listahan ng kaniyang mga iboboto.
Pumila ang pangulo sa oras na kailangan na niyang ihulog ang kaniyang balota.
Sa panayam sa pangulo binigyang-diin nito ang kahalagahan ng tungkuling gagampanan ng mga barangay officials lalo at kinakatawan nila ang linakamaliit na unit ng local government.
Kaya naman ang payo ng pangulo sa mga botante, huwag aksayahin ang kanilang boto at piliin ang mga mararapat na kandidato.